Monday, August 1, 2011

GATAS NG BAKA PARA SA BATA??


By: Cherilyn Malimata

Sa panahon ngayo’y laganap ang malnutrisyon.
Ano nga bang dahilan nang ganitong sitwasyon?
Kanino ba dapat ibaling ang sisi?
Sa gobyerno ba o sa inang kay buti.

Hindi sa binibigyang sala, itong mga ina
‘Pagkat may ina rin ako ngunit maaruga s’ya
Kadalasan ngayo’y ang nagiging magulang,
Minor de edad sa kaalaman ay kulang.

Kaya ang sanggol na kanilang isinilang,
Tiyak putlain at sa sakit ay hiyang,
Kulang sa timbang, mahina ang katawan
‘Pagkat breastfeeding kanilang kinalimutan.

Iilan na lang ang nagpapasuso sa dibdib
Sapagkat sa gatas nade-lata ay bilib,
Panatag sa sustansyang inihahatid,
Pero may masamang epektong ‘di nila batid.

Kaya gobyerno gumawa ng daan
Pagsulong sa breastfeeding, tamang pamamaraan
Lahat ng barangay, maliit o malaki man,
Nagsusumikap turuan, ang inang nagkukulang.

Kaya nga programang pangkalusugan,
Kanilang nilawakan at dinagdagan
Upang lalong mabigyan pansin
Itong ating inang nangangailangan.

Kaya dapat isulong, breastfeeding sa bansa,
Problema sa malnutrisyon, tiyak mawawala
At bilang ng may sakit ay ‘di na lata,
Imbis na uunti at maituturing na isang pagpapala.

Kaya paalala sa ating mga ina
Ang mga anak nila’y hindi isang baka,
Kaya isulong breastfeeding, tama
Sapat at ekslusibo.




No comments:

Post a Comment