Monday, August 1, 2011

THE BEST ANG BREASTFEEDING


By: Jhonamie Bugaay

Ang mabuting ina ay nagpapa-breastfeeding
Lahat nang ginawa’y sinusuri’t iniisip
Mapagmahal na ina, si baby lagging nasa kanyang bisig
Pagkat sa breastfeeding, gatas ay sulit na sulit.

Ang mabuting ina ay di mapag-imbot
Ang pagpapa-breastfeeding binibigay niyang lubos
Sa halip na gatas nakalata, dibddib niya ang idinudulog
Upang lumaking healthy si baby, sa pagmamahal ay busog.

Kapag si baby ay laki sa gatas, lalaki siyang malusog
Sa gatas ni nanay na sapat, resistensya’y matatag
Sapat at wastong nutrisyon at breastfeeding na handog
Anumang sakit ang lumigalig, madali nang madadaig.

Ang laki sa gatas, katawan ay malakas
Balat ay matingkad, sa sakit medaling umiwas
Tamang breastfeeding, sustansyang hatid nang gatas
Breastfeeding na ekslusibo, tungo sa kapaligirang ligtas.

Kaya’t itong ating katawan, dapat lang pangalagaan
Wastong nutrisyon at breastfeeding, ay may kahalagahan
Kapag ito’y winalang bahala, tila kayamanang nawala
Mga pangarap na tinaya, baka nawala ring bigla.


No comments:

Post a Comment