Monday, August 1, 2011

ANO NGA BA BREASTFEEDING?

Isulong ang breastfeeding, tama, sapat at ekslusibo

By: Lovelie Aiseen J. Lambon

     Ano nga ba ang breastfeeding? Para saan ba ito? Ang breastfeeding ay isang natural na pamamaraan sa pagbibigay ng wastong nutrisyon para sa sanggol lalo na sa iyong mga bagong silang pa lang. Sa paraang ito, nakakakuha ng sustansiya ang sanggol sa pamamagitan ng pagsipsip ng gatas ng ina. Ang gatas na ito ay mainam para sa paghilum ng pusod at sa daliang paglusog ng sanggol.

    Kung atin itong ibabatay sa makabagong panahon, iba’t-ibang produkto ang nilikha upang ipanghalili sa gatas ng ina. Ngunit ito’y mainam ang gatas ng ina na natatrabaho, sa kadahilanang ayaw iiwan ang trabaho. Ito’y hindi dapat, pamalagiin, dahil walang magandang dulot iyon. Kailangan ng isang sanggol ang tamang sustansiya, na kanya lamang makukuha sa gatas ng ina. Hindi dapat ipagpalit sa kung ano man ang gatas ng ina sapagkat ito ang pinakamahalagang pagkain ng sanggol.

    Bakit ba ito dapat isulong? Iyon ay upang lalong mabigyan ng wasto, at sapat na nutrisyon ang mga bata at sanggol, tungo sa isang magandang paglaki. Dapat ito’y maging tama, sa lahat ng pagkakataon, sa kahit anong oras. Ito’y dapat maging sapat, hindi iyong kulang. Sapat, upang matugunan ang pangunahingpangangailangan ng sanggol. Maging ekslusibo sa mga wastong pamamaraan para hindi lang malusog si baby, kundi punong-puno ng pag-aalaga ng isang ina. Atin itong isulong at ipakalat, tandaan, ang breastfeeding ay dapat maging tama, sapat at ekslusibo.










No comments:

Post a Comment