Monday, August 1, 2011

BUWAN NG NUTRISYON


Isulong ang breastfeeding, tama, sapat at ekslusibo

By: Ayra Bulasan

     Ngayong buwan ng nutrisyon ating alalahanin ang mga dapat isaalang-alang upang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga bawat bata sa daigdig, dahil dapat nating tandaan na sila an gating kinabukasan. Ating pagnilayan din paano bubuo ng matagumpay na bansa ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil sa pagpapabaya ng kanilang mga magulang.

     Isang magandang paalala ang mga ganitong pagkakataon upang tayo ay magkaisa sa pagsulong ng kaalusugan, sa tema ngayong ng “Isulong ang breastfeeding tama, sapt at ekslusibo” isinasaalang-alang ditto ang sa ngayon ay unti-unting isinasaisang tabing pag-bebreastfeeding dahil sa mga kadahilanang di maiiwasan kagaya ng mga working mommy’s, nanay o minsan din naman ay dahil ayaw masira ang baling kinitan nilang pigura ng katawan. Ngunit bilang ina hindi nga ba’t mas mahalaga ang kalusugan n gating mga anak kaya’t nakakalimutan o kinakalimutan natin ang pamsarili nating hangarin sa buhay dahil yan ang tunay na niloob ng isang mapagmahal na ina.

     Ano nga ba ang mga dapat tandaan kung bakit mahalagang mag-breastfeeding. Una ayon sa UNICEF mahalagang ibreastfeed ang sanggol simula sa kanyang kapanganakan hanggang 6 na buwan para sa maayos na na pag-develop ng pisikal at emosyonal na bahagi ng katawan ng bata. Sa buwang ito dapat na kusang loob na nag-bebreastfeed ang ina 8 o higit pa sa isang araw o gabi. Dapat din silang kumain ng mga pagkaing masasabaw at gulay tulad ng malunggay dahil iyon ay nakakatulong sa pagdami ng gatas.

     Sa ika-anim hanggang ika labindalawang buwan ng sanggol dapat parin itong ibreastfeed hanggat gusto nila pinakamainam ang ika 3-5 beses sa isang araw at may kasama naring pagpapakain ng mga hinimay na isda, dinurog na prutas kagaya ng mansanas, dalandan at saging gayon din ang nilabong patatas o kamote dahil ang mga pagkaing itong nakakatulong sa kanilang paglaki. Ito ay mayaman sa iron, calcium, vit. A, B, C. kapag ang bata naman ay nasa ika-12 hanggang 2 taon nasa kagustuhan na ito kung siya ay mag-bebreastfeed pa o gusto na niyang kumain ng mga solid foods. Mga pagkain na kasama sa food pyramid, sa mga batang kagaya nila ang gatas, isda, gulay, at karne ay dapat balance din upang maiwasan ang malnutrisyon dahil ang sobra ay hindi rin tama, ang malusog ay may maliksi at katamtamang pangangatawan.

     Sa lahat ng ito’y dapat nating hikayatin ang mga ina at mga bata sa pagkain ng masustansyang pagkain upang ang bawat bata ay masigla, nakangiti habang naglalaro at palaging aktibo sa klase. Kung sila’y lagging ganito lalaki rin silang may matalinong pag-iisip, maayos na pangangatawan at may takot sa Diyos upang magkaroon tayo ng makabago at maayos na pamamalakad ng bayan sa bansa sa hinaharap.

     Hangad ko, ikaw, nating lahat ang tagumpay nila kayat dapat simulan sa pagpapalaki sa mga cute na mga batang ito ang wastong gabay at sapt na nutrisyon.

    Ikaw ina gumising ka…. At alalahanin si baby………








No comments:

Post a Comment