Monday, August 1, 2011

BILANG ISANG INA

Isulong ang breastfeeding tama, sapat, at ekslusibo

By: Carlo Ola

     Bilang isangg ina napakahalaga mabigyan ng niya hindi lamang ng “tama na yon” ang kanyang anak bagkus mabigyan ng tama, sapat, at ekslusibong pagbe-breastfeeding. Gayundin ang sapat at masustansyang pagkain. Pero paano nga ba mabibigyan ng tama, sapat at ekslusibong pagbe-breastfeeding at masustansyaang pagkain ang kanilang mga anak upang matamo niya ang tamang timbang na akma sa kanyang edad?

     Sa mga sanggol napakainam na paraam ang pag-papasuso o breastfeeding. Ang gatas ng ina ang pinakamasustansya sa lahat ng mga gatas. Nakakatulong ito anumang uri ng sakit. Pagkapanganak sa sanggol kinakailangan na niyang sumuso sa kanyang ina. Ang galastrum na lumalabas sa suso ng ina ay higit na maganda para sa kalusugan ng sanggol. Ang patuloy na pagpapasuso ay nagtataguyod ng pinakamabuting paglaki at kalgayan ng sanggol. Hinahadlangan nito an gang pagiging bansot n gating mga anak. Bigyan din natin ng pansin ang complementary feeding. Ano ba itong complementary feeding ay ang pagbibigay ng ibang mga pagkain at likido sa mga sanggol. Isa itong stratehiya salamin sa sobra at kulang sa timbang. Maraming mga bata at sanggol ang malnourished dahil hindi tama at sap tang pagpapasuso. Pati narin ang dami at kalidad ng pagkain, maling paraan ng pagpapakain at pagkakaroon ng sakit, Sanayin an gating mga anak ng maayos at masayang pagpapakain. Iba-ibahin ang mga pagkain upang mapabuti ang kalidad at nakukuhang sustansiya. Pumili mula sa tatlong grupo ng pagkain. Ang go, grow, at glow foods.

     Hikayating kumain ang ating mga anak kapag nawawalan itto ng gawa. Naglahok ng mga paborito nitong pagkain maging malikhain at maeksperimento ng iba’t-ibang kombinasyon ng mga pagkain. Kung magkasakit ang sanggol an gating sanggol at anak ugaliin ang madalas at maayos na pagpapakain habang at pagkatapos ng pagkakasakit. Magtiyagang hikayatin an gating mga anak na kumain upang makabawi agad ito ng lakas. Bilang isang ina maraming dapat sundin at gawin lakas. Bilang isang ina maraming dapat sundin at gawin. Tungkulin niya na magkaroon ang kanyang anak ng malusog at masiglang pangangatawan, wastong timbang na magsisilbing sandata at pananggalangg ng bata sa anumang uri ng sakit. Ang tunay na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay di sa dami at mahal na pagkain, kundi sa tama at sapat at ekslusibong breastfeeding.







BUWAN NG NUTRISYON


Isulong ang breastfeeding, tama, sapat at ekslusibo

By: Ayra Bulasan

     Ngayong buwan ng nutrisyon ating alalahanin ang mga dapat isaalang-alang upang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga bawat bata sa daigdig, dahil dapat nating tandaan na sila an gating kinabukasan. Ating pagnilayan din paano bubuo ng matagumpay na bansa ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil sa pagpapabaya ng kanilang mga magulang.

     Isang magandang paalala ang mga ganitong pagkakataon upang tayo ay magkaisa sa pagsulong ng kaalusugan, sa tema ngayong ng “Isulong ang breastfeeding tama, sapt at ekslusibo” isinasaalang-alang ditto ang sa ngayon ay unti-unting isinasaisang tabing pag-bebreastfeeding dahil sa mga kadahilanang di maiiwasan kagaya ng mga working mommy’s, nanay o minsan din naman ay dahil ayaw masira ang baling kinitan nilang pigura ng katawan. Ngunit bilang ina hindi nga ba’t mas mahalaga ang kalusugan n gating mga anak kaya’t nakakalimutan o kinakalimutan natin ang pamsarili nating hangarin sa buhay dahil yan ang tunay na niloob ng isang mapagmahal na ina.

     Ano nga ba ang mga dapat tandaan kung bakit mahalagang mag-breastfeeding. Una ayon sa UNICEF mahalagang ibreastfeed ang sanggol simula sa kanyang kapanganakan hanggang 6 na buwan para sa maayos na na pag-develop ng pisikal at emosyonal na bahagi ng katawan ng bata. Sa buwang ito dapat na kusang loob na nag-bebreastfeed ang ina 8 o higit pa sa isang araw o gabi. Dapat din silang kumain ng mga pagkaing masasabaw at gulay tulad ng malunggay dahil iyon ay nakakatulong sa pagdami ng gatas.

     Sa ika-anim hanggang ika labindalawang buwan ng sanggol dapat parin itong ibreastfeed hanggat gusto nila pinakamainam ang ika 3-5 beses sa isang araw at may kasama naring pagpapakain ng mga hinimay na isda, dinurog na prutas kagaya ng mansanas, dalandan at saging gayon din ang nilabong patatas o kamote dahil ang mga pagkaing itong nakakatulong sa kanilang paglaki. Ito ay mayaman sa iron, calcium, vit. A, B, C. kapag ang bata naman ay nasa ika-12 hanggang 2 taon nasa kagustuhan na ito kung siya ay mag-bebreastfeed pa o gusto na niyang kumain ng mga solid foods. Mga pagkain na kasama sa food pyramid, sa mga batang kagaya nila ang gatas, isda, gulay, at karne ay dapat balance din upang maiwasan ang malnutrisyon dahil ang sobra ay hindi rin tama, ang malusog ay may maliksi at katamtamang pangangatawan.

     Sa lahat ng ito’y dapat nating hikayatin ang mga ina at mga bata sa pagkain ng masustansyang pagkain upang ang bawat bata ay masigla, nakangiti habang naglalaro at palaging aktibo sa klase. Kung sila’y lagging ganito lalaki rin silang may matalinong pag-iisip, maayos na pangangatawan at may takot sa Diyos upang magkaroon tayo ng makabago at maayos na pamamalakad ng bayan sa bansa sa hinaharap.

     Hangad ko, ikaw, nating lahat ang tagumpay nila kayat dapat simulan sa pagpapalaki sa mga cute na mga batang ito ang wastong gabay at sapt na nutrisyon.

    Ikaw ina gumising ka…. At alalahanin si baby………








ANO NGA BA BREASTFEEDING?

Isulong ang breastfeeding, tama, sapat at ekslusibo

By: Lovelie Aiseen J. Lambon

     Ano nga ba ang breastfeeding? Para saan ba ito? Ang breastfeeding ay isang natural na pamamaraan sa pagbibigay ng wastong nutrisyon para sa sanggol lalo na sa iyong mga bagong silang pa lang. Sa paraang ito, nakakakuha ng sustansiya ang sanggol sa pamamagitan ng pagsipsip ng gatas ng ina. Ang gatas na ito ay mainam para sa paghilum ng pusod at sa daliang paglusog ng sanggol.

    Kung atin itong ibabatay sa makabagong panahon, iba’t-ibang produkto ang nilikha upang ipanghalili sa gatas ng ina. Ngunit ito’y mainam ang gatas ng ina na natatrabaho, sa kadahilanang ayaw iiwan ang trabaho. Ito’y hindi dapat, pamalagiin, dahil walang magandang dulot iyon. Kailangan ng isang sanggol ang tamang sustansiya, na kanya lamang makukuha sa gatas ng ina. Hindi dapat ipagpalit sa kung ano man ang gatas ng ina sapagkat ito ang pinakamahalagang pagkain ng sanggol.

    Bakit ba ito dapat isulong? Iyon ay upang lalong mabigyan ng wasto, at sapat na nutrisyon ang mga bata at sanggol, tungo sa isang magandang paglaki. Dapat ito’y maging tama, sa lahat ng pagkakataon, sa kahit anong oras. Ito’y dapat maging sapat, hindi iyong kulang. Sapat, upang matugunan ang pangunahingpangangailangan ng sanggol. Maging ekslusibo sa mga wastong pamamaraan para hindi lang malusog si baby, kundi punong-puno ng pag-aalaga ng isang ina. Atin itong isulong at ipakalat, tandaan, ang breastfeeding ay dapat maging tama, sapat at ekslusibo.










GATAS NG BAKA PARA SA BATA??


By: Cherilyn Malimata

Sa panahon ngayo’y laganap ang malnutrisyon.
Ano nga bang dahilan nang ganitong sitwasyon?
Kanino ba dapat ibaling ang sisi?
Sa gobyerno ba o sa inang kay buti.

Hindi sa binibigyang sala, itong mga ina
‘Pagkat may ina rin ako ngunit maaruga s’ya
Kadalasan ngayo’y ang nagiging magulang,
Minor de edad sa kaalaman ay kulang.

Kaya ang sanggol na kanilang isinilang,
Tiyak putlain at sa sakit ay hiyang,
Kulang sa timbang, mahina ang katawan
‘Pagkat breastfeeding kanilang kinalimutan.

Iilan na lang ang nagpapasuso sa dibdib
Sapagkat sa gatas nade-lata ay bilib,
Panatag sa sustansyang inihahatid,
Pero may masamang epektong ‘di nila batid.

Kaya gobyerno gumawa ng daan
Pagsulong sa breastfeeding, tamang pamamaraan
Lahat ng barangay, maliit o malaki man,
Nagsusumikap turuan, ang inang nagkukulang.

Kaya nga programang pangkalusugan,
Kanilang nilawakan at dinagdagan
Upang lalong mabigyan pansin
Itong ating inang nangangailangan.

Kaya dapat isulong, breastfeeding sa bansa,
Problema sa malnutrisyon, tiyak mawawala
At bilang ng may sakit ay ‘di na lata,
Imbis na uunti at maituturing na isang pagpapala.

Kaya paalala sa ating mga ina
Ang mga anak nila’y hindi isang baka,
Kaya isulong breastfeeding, tama
Sapat at ekslusibo.




THE BEST ANG BREASTFEEDING


By: Jhonamie Bugaay

Ang mabuting ina ay nagpapa-breastfeeding
Lahat nang ginawa’y sinusuri’t iniisip
Mapagmahal na ina, si baby lagging nasa kanyang bisig
Pagkat sa breastfeeding, gatas ay sulit na sulit.

Ang mabuting ina ay di mapag-imbot
Ang pagpapa-breastfeeding binibigay niyang lubos
Sa halip na gatas nakalata, dibddib niya ang idinudulog
Upang lumaking healthy si baby, sa pagmamahal ay busog.

Kapag si baby ay laki sa gatas, lalaki siyang malusog
Sa gatas ni nanay na sapat, resistensya’y matatag
Sapat at wastong nutrisyon at breastfeeding na handog
Anumang sakit ang lumigalig, madali nang madadaig.

Ang laki sa gatas, katawan ay malakas
Balat ay matingkad, sa sakit medaling umiwas
Tamang breastfeeding, sustansyang hatid nang gatas
Breastfeeding na ekslusibo, tungo sa kapaligirang ligtas.

Kaya’t itong ating katawan, dapat lang pangalagaan
Wastong nutrisyon at breastfeeding, ay may kahalagahan
Kapag ito’y winalang bahala, tila kayamanang nawala
Mga pangarap na tinaya, baka nawala ring bigla.


ISULONG ANG BREATFEEDING TAMA, SAPAT AT, EKSLUSIBO

By: John – John Mendoza


Sa pagsilang sa sanggol ng kanyang dakilang ina,
Nararapat lang na matugunan ang pangangailangan niya,
Masustansyang bitamina at nutrisyong masagana,
Gatas na de-lata o gatas ng ina, saan nga ba nakukuha?

Gatas na de-lata ay gawa ng mga pabrika,
Prinosesong gatas mula sa hayop tulad ng baka,
Ito daw ay mainam saa kalusugan ng bata,
Subalit may kamahalan kapus sa bugyet ni Ina.

Ang gatas ng ina ang pinakamura,
Masarap, mainam at higit na masustansya,
Ina ng tahanan, kailangan matuto ka,
Gatas mo, O ina! Walang kapantay, napakahalaga.

Nawa’y maunawaan ng mga magulang,
Lalo na ikaw Ina na siyang magsilang,
Breastfeeding ang paraan at walang ano pa man,
Tamang kalusugan ng sanggol ay tiyak na makakamtan.

Itong aking tula ngayon ay pawakas na,
Atin nawa’y isulong natural at likas na,
Tama, sapat at ekslusibo pa,
Isulong ang breastfeeding wala ng iba.


Friday, July 8, 2011

Money Management

Money Management

What is the right to give an allowance your child?

The best time to start is when your child entered in elementary school since he is beginning to have importance responsibility then.  The goal is to teach your child how your handle money well; make sure he understands this purpose.

“When I was a child I’m getting my allowance since I entered kindergarten worth P5 pesos during that time that money worth a lot.  Entering to grade one to two it’s increased by P5 pesos which I had P10 pesos in hand then I also learned to sell foods to my classmates so I can earn money. But when I was transferred to a private school of course my money increased a lot to P10 pesos to P30 pesos.  For that money I always save P10 pesos on my pocket since then I save a lot of money that can buy my favorite jeans on the mall. “

“By saving money left on your pocket everything is possible like what I did to the money I saved I didn’t imagine that I can bought an expensive jeans and shirt. ‘’

How much depends on what you on what you can afford as well as needs of your child.  According to studies suggest that considering the average amount given children of that particular age whose family values are similar to yours. If the money you give your child is for lunch and recess, add a little more so you can learn to save. If your child receives P40 pesos and every centavo is accounted for, he does not learn the idea of “planning ahead and saving money.”

The awareness of the value of the money may start even earlier. Set limits on younger children who constantly ask you buy them things. Say that new toy or candy can only be brought once a week or every pay day. How much money can spend? Tell your child about this before you enter the store. When he knows what to expect, he will not get disappointed. You can even have a little practice session making choices. Get two times or m ore, then let your child choose which one he likes.

How to spend money wisely?

Your child has to see the difference between “needs” and “wants”. Needs are the things that are necessary, like clothes and shoes that are used in gathering and school. Wants are the things that your child wants to have, such as toys and foods. You should tell him that needs are given more importance than wants.

I can say to myself that I’m not a great or wise shopper because boys are buying everything he likes unlike girls that are searching for the best one before she will buy it. But when the time goes by I learned how to buy things that are affordable but you can see the quality of the product. They are a lot of people saying that the expensive things are the best than cheaper ones. But probably that is wrong because they are a lot of things that cheaper that you can see the durability of the product and also the quality.

Guide your child into becoming a smart shopper: check the product carefully, compare prices, and get the best price. Discourage him from buying impulsively.

Despite your guidance, children will mistakes as part of the learning process. If the uses up his money to buy a toy only to regret the decision when he sees a better one later on. Allow him to live with his poor choice without being blamed or ridiculed. Ask him what he could have done differently to avoid the same things happening in the future.

When your child is saving or buying wisely, encourage his efforts. Giving the time and attention teaching him will eventually help him to understand and appreciate money.